Tekstong Prosijural


 Prosijural


        Pagkuha ng dugo sa paraan ng "Butterfly Method" 

                Ang isang "butterfly needle" ay maaaring gumawa ng proseso ng blood test na mas madaling            kung mayroon ka ng mga ugat na karaniwang mahirap kuhanan o may isang medikal na                       kondisyon na maaaring dahilan ng labis na pagdudugo ng isang tao. Ito ay karaniwan ding                    ginagamit sa "IV Transfusion" ng isang indibidwal na nangangailangan nito. 


     Mga kagamitan: 

  • Butterly Syringe
  • Bulak
  • Alcohol
  • Tourniquet
  • Micropore 

    Prosijur:
  1.  Tanggalin ang syringe mula sa packaging at itulak ang plunger upang masiguro na walang problema at maging maayos ang paghila dito 
  2. Linisin ang paligid ng balat na kukuhanan ng dugo 
  3. Ilagay ang tourniquet
  4. Itusok ang karayom sa balat ng pasyente habang inaalalayan ito nang maige. Tingnan kung may lumabas na dugo sa dulo ng hub ng syringe bago hilahin ang plunger. Tanggalin ang nakalagay na tourniquet sa braso ng pasyente.
  5. Tanggalin ang nakatusok na syringe at lagyan ito ng bulak. Marapat na lagyan ng kaonting pressure upang hindi ito magpasa matapos makuhanan ng dugo. 
  6. Itapon ang mga nagamit sa tamang basurahan ng mga ito 


 

Comments