Tekstong Panghihikayat
Tekstong Panghihikayat
Ang HIV ay isang uri ng virus na sumisira sa resistensya o immune system ng isang tao. Ang AIDS naman ay ang kundisyon kung saan labis nang napahina ng HIV and katawan ng isang tao. Ang taong meron ng AIDS ay maaaring kakitaan ng iba't-ibang sintomas at impeksyon kasama na ang kanser na maaaring humantong sa kamatayan kung hindi maaagapan ng maaga.
Papaanong paraan nakukuha ang virus na ito:
- Pakikipagtalik nang walang gamit na proteksyon sa isang taong may HIV
- Pagsalin ng dugo mula sa taong may HIV
- Pugturok o paghihiraman ng ringilya na ginamit ng isang taong may HIV
- Maari rin itong mapasa ng isang nanay sa kaniyang anak habang sya ay nanganganak, nasa sinapupunan pa, at pede rin habang siya ay nagpapasuso
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng HIV transmission:
- Gumamit ng proteksyon kapag makikipagtalik
- Ugaliin na magpatest at magpagmot kung sakaling mayroong kahit anong STD
- Huwag gumamit ng mga gamit na ringilya
- Siguraduhing malinis ang mga gagamitin na dugo kung ikaw ay mangangailangan ng pagsasalin nito
Tandaan!! Hindi naipapasa ang HIV o AIDS mula sa laway, pawis, at kung ano mang gamit na mula sa taong mayroon nito.
Reperensiya:
HIV and AIDS Awareness Campaigns. (2001, February 7). HIV And AIDS Awareness Campaigns | HIV.gov. https://www.hiv.gov/federal-response/campaigns
Comments
Post a Comment