Tekstong Impormatibo

 

Teksong Impormatibo 

    Ang Medical Laboratory Science ay isang apat na taong programa na nagbibigay sa mga estudyante ng pundasyon pagdating sa kaalaman patungkol sa medical laboratory science, konsepto ng siyensa, at ang iba’t-ibang kaalaman patungkol sa laboratory, ang mga isinasagawang pagsusuri at pag-aanalisa dito. Sinasanay ang mga estudyante dito sa iba’t-ibang mga procedure na nakakatulong sa pag-diagnose ng iba’t-ibang mga sakit at karamdaman, pasok din dito ang pagsusuri sa mga sakit at kung ano ang gamut dito, at higit sa lahat pinag-aaralan din dito kung paano panatilihing maganda ang ating kalusugan. Marami ang matututunan sa kursong ito kagaya na lamang ng pagunawa sa pagkalat ng mga sakit, kung ano ang sanhi nito, paano ito lumalaganap, at kung paano ito pwedeng puksain. Maibibigay nito ang sapat na kaalaman o impomasyon kung sakaling gustuhin mong magpatuloy ng pag-aaral ng medisina.


Comments